minsan, naisip mo na bang habang papauwi ka'y pinaplano mo na ang paglalaan mo ng oras para sa pamilya mo?
kung saan mamasyal kayo sa paborito ninyong pasyalan..
kakain sa paborito ninyong kainan..
manonood ng sine
o mamimili ng mga gamit o damit..
naiisip mo ba kung gaano mo mapapasaya ang pamilya mo n'un?
naisip mo na rin bang habang papauwi ka'y may nagpaplano na rin
na holdapin ka
sabay ulos ng saksak sa tagiliran mo
dahil pinagplanuhan na niyang mangbiktima
para may maiuwi siyang pangkain ng pamilya niya?
at alam niya rin na sa mga oras na iyon,
manlalaki ang mata ng mga anak niya sa tuwa
at sa wakas, makakakain na rin sila?
naisip mo na bang kung sakaling naging isa kang pulubi, paano ka hihingi ng abuloy o tulong?
kakanta ka,
o uupo na lang sa tabi ng kalsada?
kahit na alam mong noong panahong matino ka pa, matino rin ang inilalaman mo sa tiyan mo..
paano kung ngayon, puro tira-tira na lang o kung ang mahanap mo, panis na..
malamang masuka ka o hindi kaya, lulunukin mo na lang iyon
ng nangingilid sa luha..
iisipin mo ba na malamang masasanay ka rin pati ang iyong sikmura..
minsan, naisip mo na bang kung nagkataong puro pagmamahal ang nasa isip ng lahat ng tao sa mundo,
may silbi pa ba ang diyos?
o kung may demonyo ba?
may langit?
may lugar ng kumukulong asupre?
maiisip mo pa bang gumawa ng masama
kahit ba nasa iyo na ang lahat?
o kaya paano kung naging puro masasama lahat ng tao sa mundo,
walang nakakaalam kung paano magmahal?
maiisip mo kayang kahit umpisahan mo sa sarili mo na maging mabuti,
mababago mo pa rin ba ang mundo?
paano kung ikaw kaya ang naging diyos, ano uunahin mo sa problema ng mundo?
lalo na kung balak mo na itong tapusin sa loob ng isang minuto?
magbibigay ka pa ba ng isang pagkakataon?
paano kung wala ng mapupunta sa iyo?
paano kung hindi ka na makaka-uwi ng buhay?
paano kung hindi ka na marunong magmahal?
~
(para sa lahat ng mga taong nakapaligid sa akin..
sa pagbibigay nila sa akin ng tamang kakayahan na unawain
kung ano ba talaga ang silbi ng bawat pagbagsak ng alon sa dalampasigan..)
+ + +
Devious Comments
gawd kuya.
you are the man
--
i'm a fangirl now. die hard
--
***
your ordinary girl ATTRACTS men. i BEWILDER them. that's the BIG difference
WANT MORE? [link]
--
~
i write. this is what i want.
and sometimes i write lyrics for boy bands.
Previous PageNext Page