Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
Shop deviantART for the
holidays and save BIG!
Click here! :holly:
[x]

deviantART

:clap:
 

KAUTUTANG-DILA

Tue Jun 10, 2008, 6:31 AM
`
"o, ikaw na, tira mo na.."
"ay, oo nga, teka.."
"bakit wala ka yata sa mood maglaro ngayon?"
"may iniisip lang ako.."
"tungkol naman saan?"
"wala.."

"tagal ng tira mo. ano na?"
"sandali lang, nag-iisip pa.."
"iniisip mo ba ititira mo o 'yung ibang iniisip mo?"
"pareho.."
"eh, hindi ka nga makakatira kaagad niyan kung ganyan."

"alam mo, nagtataka lang ako sa iyo e.."
"bakit naman?"
"kung bakit ang buti mo.."
"hmm.."
"talaga bang ganun ka?"
"na ano?"
"na kahit nalalamangan ka na, wala pa ring epekto sa iyo?"
"hindi naman.."
"na kahit marami na ang nawala sa'yo, nagpaparaya ka pa?"
"talagang ganun.."
"o, tumira na ako, ikaw na.."

"hirap ng tira mo, a?"
"pare, bakit nga ba?"
"na ano?"
"bakit ka nga ba ganun? bakit ang bait mo?"
"teka, nag-iisip pa ako ng plano?"
"pare, sorry, ha?"
"para saan?"
"alam ko, nagalit ka sa akin noon. nagawa mo nga akong palayasin.."
"wala 'yun, ano ka ba?"
"nagawa ko pang agawin 'yung mga pag-aari mo.."
"..."
"pero heto, nagawa mo pang makipag-ayos sa akin, heto't nakikipaglaro ka sa akin na parang walang nangyari dati.."
"alam ko na.."
"ha?"
"may tira na ako.."
"..."
"o, ayan."
"hehe. nag-isip ka pa ng ititira, makakain ko na rook mo, o.."
"ayus lang 'yan.."
"hmm.."
"hehe.."
"may plano nga.."

"ano na nga 'yung drama mo kanina, pare?"
"naknaman o, dami na n'on, wala ka man lang natandaan?"
"hmm.. basta sa akin, kahit ano pa mangyari, ayos lang lahat sa akin.."
"ha?"
"talagang nagpa-ubaya ako.."
"talaga?"
"mas pinili ka nila, desisyon nila 'yon. basta ako, kaya ko ibigay gusto nila sa akin, basta matuto lang silang sumunod. parang ayaw lang talaga nila sa akin. mas gusto nila sa'yo.."
"masyado ka raw kasi mahigpit.."
"mahigpit? ako?"
"sa akin, malayang-malaya sila.."
"ganun ba?"
"walang bawal-bawal.."
"..."
"hehe. tama na (sabay wasiwas sa board at mga piyesang nasa harap). wala kang kwentang kausap.."
"ha?"
"dahil isa kang utu-uto at talunan. mag-isa ka na lang ngayon. hehe"
"hmm.. alam ko na kahit kailan, hindi ka na talaga magbabago.."
"hehe.. utak sindikato 'to, boy. wala ka talagang kadala-dala. ang hina mo.."
"ganito talaga ako, pare, at ikaw, ganyan ka na talaga. nagsisisi nga ako kung bakit.."
"hahahahaha. 'yon ang malaking pagkakamali mo.."
"malamang, nagkamali nga ako pero ayus lang 'yun. sa pelikulang pinoy nga, sa umpisa, magpapatalo muna bida.."
"..."
"at sa bandang huli, sa akin pa rin ang huling halakhak. hahahahaha"






`

[link]
para sa mga katulad kong mahilig pa rin sa crayola..


`
nami-miss ko na si ~blackheart000




~


halikayo't tunghayan:
ANG MAHIWAGANG PATADYONG NI TINAY
ANG BAGYO NG AKING BUHAY
"BLAH!" ANG SABI NG TAONG GRASA


~ :heart: ~







`

  • Mood: Adoration
  • Listening to: BANANATYPE by eraserheads
  • Eating: 3 no-drowse decolgen

Devious Comments

love 0 0 joy 0 0 wow 0 0 mad 0 0 sad 0 0 fear 0 0 neutral 0 0
:iconhildegarde:
malalim. di ko maarok! :rofl:

ako rin, miss ko na rin si ate thets!

--
i'm not nice; i'm not even the classic-sweet-girl that you think i am. and when you finally get the chance to penetrate my world,you'll find an erotic part of me. and you'll be surprised that i'm jaded & bitter. QUESTION: will you still love me?
:iconermitanyongiskagero:
di na nga siya halos nagagawi dito e..
busy lang siguro sa skuul..

maaarok mo rin 'to.. basahin mo lang ulit.. :D

--
"Gusto ko makarinig ng walang distorted na gitara pero distorted ang lyrics.." - Marcus Adoro
:iconhildegarde:
oo nga pala.. ngayong sem na nga pala xa mag-aaral ulit.. hmm gudluck sa knya. :)

sa uulitin. ;)

--
i'm not nice; i'm not even the classic-sweet-girl that you think i am. and when you finally get the chance to penetrate my world,you'll find an erotic part of me. and you'll be surprised that i'm jaded & bitter. QUESTION: will you still love me?

Journal History

Site Map