Kaka-download ko lang ng kantang "At Your Funeral" ng bandang Saves The Day kagabi.. Since 2003 ko pa 'yon hinahanap mula nung mapanood ko ang music video nun sa MYX..
Ilang beses kong pinatugtog 'yon kaninang umaga.. Maganda kasi 'yung intro tsaka 'yung progression.. Galing din, sa loob-loob ko..
After lunch, tumawag 'yung bunso kong kapatid na nasa probinsiya para ipaalam sa amin na wala na si Ermat..
WALA NA SI ERMAT..
Devious Comments